Overfishing ng mga Chinese sa West Philippine Sea, pinaiimbestigahan ni Sen. Hontiveros

By Jan Escosio April 21, 2021 - 03:52 PM

Inquirer file photo

Hiniling ni Senator Risa Hontiveros sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na imbestigahan ang sobra-sobrang pangingisda na ginagawa ng Chinese vessels sa West Philippine Sea.

Kaugnay ito sa reklamo ng mga mangingisdang Filipino na paunti nang paunti na ang kanilang mga nahuhuling isda sa dagat na sakop ng Zambales.

Diin ni Hontiveros, ang isyu sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea ay hindi lang sa usapin ng hurisdiksyon kundi maging sa kabuhayan at seguridad sa pagkain.

“Ano na ang kakainin ng ating mga mangingisda kung pati ang mismo nilang huli ay inaagaw rin ng Tsina? Ano na ang magiging kabuhayan nila kung may mga barko ng Tsina na hinaharangan ang kanilang paglayag sa sarili nating karagatan?” tanong ng senadora.

Bago ito, isinumbong ng mga mangingisda mula sa Zambales ang may 20 Chinese vessels na nasa layong 111 kilometro mula sa bayan ng San Antonio.

“BFAR should be able to regularly monitor these areas because we need to account for what is being stolen from us. The agency must be capacitated to do its job, so that we know how much is being withheld from our fisherfolks. Ang totoong datos at impormasyon ay makakatulong para matugunan ang mga pagkukulang ng gobyerno sa mga Pilipino,” sabi pa niya.

TAGS: Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Risa Hontiveros, West Philippine Sea issue, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Risa Hontiveros, West Philippine Sea issue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.