3 patay, 10 sugatan sa pananalasa ng bagyong ‘Bising’ – NDRRMC
Kinupirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na tatlo na ang nasawi sa pananalasa ng bagyong ‘Bising’ sa ilang rehiyon sa bansa.
Hindi tinukoy ng ahensiya kung saan sa mga naapektuhang lugar naitala ang mga nasawi bagamat sa kanilang datos may mga nasaktan at may isang nawawala sa Regions V, VII, VIII at XI.
Ang bilang naman ng mga apektado ay 229,829 indibiduwal mula sa 944 barangay.
Sa naturang bilang, 15,813 ang nasa 236 evacuation centers, samantalang may 21,648 ang lumikas din at nakikituloy sa mga kamag-anak o kakilala sa ibang lugar.
Sa inisyal na pagtataya naman ng halaga ng pinsala na idinulot ng bagyo, ayon sa NDRRMC, ito ay nasa halos P45.93 milyon sa agrikultura at P10.6 milyon naman sa mga imprastraktura.
Nakataas pa rin ang Signal No. 1 sa Batanes, Cagayan, ilang bahagi ng Apayao, Kalinga, Isabela, Quirino at Aurora.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.