Masbate Governor sa simbahan ang punta makaraang mag-piyansa

lanete-0220
Inquirer file photo

Nakalabas na mula sa Bureau of Jail Management and Penology Female Dormitory sa Camp Bagong Diwa, Taguig si Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete.

Ayon kay BJMP spokesman Senior Inspector Xavier Solda, nakalabas si Lanete ng kulungan pasado alas-tres ngayong hapon.

Paliwanag ni Solda, ito ay dahil sa natanggap na ng BJMP ang court order na nag-aatas sa kanilang hanay na i-release na ang opisyal.

Wala naman aniyang naging problema sa paglaya ni Lanete.

Inayos lamang ng Masbate Governor ang kanyang mga gamit at may pinirmahang ilang dokumento.

Matatandaang una nang pinayagan ng Sandiganbayan Fourth Division na maglagak si Lanete ng kalahating milyong pisyong piyansa para sa kasong plunder na kinakaharap nito bunso ng pagkakadawit ng pork barrel scam.

Bukod kay Lanete, pinayagan din ng anti-graft court na magpiyansa si Janet Lim Napoles na umano’y mastermind sa pork barrel scam.

Gayunman, hindi pa nagpipiyansa at hindi pa makalalya si Napoles dahil nahaharap pa ito sa hiwalay na kasong illegal detention na isinampa ng kanyang pamangkin na si Benhur Luy na nagsilbing whistleblower sa pork barrel scam.

Una nang sinabi ni AttyJessie Lanete, anak ng Gobernadora na magtutungo muna sila sa Our Lady of Manaoag sa Pangasinan para magsimba at magpasalamat.

Read more...