39 pasahero sa mga pantalan sa Bicol, stranded dahil sa #BisingPH

Patuloy ang pag-monitor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga stranded na pasahero sa mga pantalan.

Bunsod pa rin ito ng Typhoon Bising.

Sa maritime safety advisory hanggang 8:00, Miyerkules ng umaga (April 21), stranded pa rin ang 39 pasahero, drivers at cargo helpers sa mga pantalan sa Bicol region.

Maliban dito, stranded din ang dalawang vessels, at isang rolling cargoes sa nasabing rehiyon.

Ayon sa PCG, nakararanas ng moderate to rough sea condition sa Bicol.

Patuloy naman ang 24/7 nationwide monitoring ng PCG Operations Center para sa istriktong implementasyon ng guidelines sa galaw ng mga sasakyang-pandagat.

Nakaalerto rin ang Coast Guard Districts, Stations, at Sub-Stations across sa bansa sakaling magkaroon ng emergency situations, katuwang ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC).

Read more...