Pangakong jetski ni Pangulong Duterte sa Spratly, metaphor lang ayon sa Malakanyang

By Chona Yu April 21, 2021 - 11:37 AM

Photo grab from PCOO Facebook live

Metaphor  lamang ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sasakay siya ng jetski papuntang Spratly Islands para igiit sa China na teritoryo ng Pilipinas ang ilang lugar sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bagamat naging matalinghaga ang pangulo, malinaw naman ang paninindigan ng punong ehekutibo na hindi isusuko ang teritoryo ng Pilipinas.

Taong 2016, naging campaign promise ni Pangulong Duterte na sasakay siya ng jetski patungong Spratlys para iwagayway ang watawat ng Pilipinas

Ayon kay Roque, may hangganan ang pakikipagkaibigan ni Pangulong Duterte sa China.

Hindi na kasi aniya papayag ang pangulo kung magsasagawa ng oil drilling ang China sa West Philippine Sea na sakop na ng Pilipinas.

“Well, that was a metaphor but I think he has reiterated that when he said na there are limits to our friendship. Hindi ako papayag na mawala, na mangyari iyong nangyari sa administrasyong Aquino na nawalan ng isang isla habang sila po ay naninilbihan sa gobyerno,” pahayag ni Roque.

TAGS: China, jetski, Pangulong Duterte, Sec. Harry Roque, spratly, China, jetski, Pangulong Duterte, Sec. Harry Roque, spratly

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.