22 aktibong kaso ng COVID-19 naitala ng DOJ

May 22 aktibong kaso ng COVID 19 sa Department of Justice, ayon kay Undersecretary Emmelene Aglipay – Villar.

Sinabi pa ng opisyal, umabot na sa 67 sa kanilang mga kawani ang tinamaan ng nakakamatay na sakit simula noong Enero.

Sa naturang bilang, 43 ang gumaling at dalawa ang namatay.

Noong nakaraang taon, mula Marso hanggang Disyembre, 18 kawani ng kagawaran ang nahawa ng COVID 19.

Una nang inanunsiyo ni Sec. Menardo Guevarra na kabilang sa mga prayoridad na mabakunahan ay ang mga state prosecutors, maging mga hukom at public attorneys na aabot sa 30,000.

Read more...