Bayanihan 3 walang masyadong epekto sa credit standing ng Pilipinas – Rep. Salceda
Hindi masyado makaaapekto sa credit standing ng Pilipinas sakaling maaprubahan ang P370-B PBayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 3).
Ito ayon kay House Committee on Ways and Means chairman Joey Sarte Salceda matapos na inanunsyo ng International Monetary Fund (IMF) na mayroong sapat na fiscal space pa ang Pilipinas na maaring gamitin para masuportahan ang recovery ng bansa sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.
“The IMF’s statement shows that we can approve Bayanihan 3 with little adverse consequence on our credit standing. Together with the revenue-generating efforts of the House, we should be alright,” saad ni Salceda
Mahalaga anya ang pagkakaroon ng mas marami pang fiscal support, partikular na sa vaccination, lalo pa at hindi ito kuntento sa sagot ng Department of Health sa kung magkano ang kakailanganin na pondo para sa vaccine rollout sa mga nagdaang pagdinig nila hinggil sa Bayanihan 3
Sabi ng kongresista hindi sapat ang P4-5billion na isinagot ng DOH para makapagsagawa ng mega-vaccination, lalo na kapag luluwag na ang global supply pagkatapos ng buwan ng Hulyo.
Dagdag ni Salceda, “I get the impression that the DOH has not simulated the costs of mass vaccination well. That worries me. We need to be ready to authorize more funding.”
Kung titingnan, ang mga bansang may mas karanasan tulad ng United States natukoy na sa kada dolyar na inilalaan para sa bakuna, nangangailangan ng nasa 80 cents pa para maiturok ito.
Hindi aniya mura ang gastos sa transportation, storage, personnel costs, at syringes.
Binigyan diin ni Salceda na hindi makakabalik sa normal ang buhay ng lahat hangga’t walang mass vaccination, na posible lamang mangyari kung sasapat ang pondo para sa rollout nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.