Bagyong Bising malayo pa rin sa kalupaan ng bansa; paghina ng bagyo inaasahan na

By Erwin Aguilon April 21, 2021 - 07:27 AM

Malayo pa rin sa kalupaan ang mata ng Bagyong Bising pero kumikilos ito patungo sa Hilagang bahagi ng bansa.

Sa 5am weather update ng PAGASA, huling namataan dakong 4am ang sentro ng bagyo sa layong 395 km Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Kumikilos ang bagyo patungong Hilaga-Hilagang-Kanluran na direksyon.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 175 kilometro kada oras at pabugso na hanggang 215 kilometro bawat oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:

  • Silangang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Peñablanca, Santa Teresita, Buguey)
  • Silangang bahagi ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan)

Ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 naman ay nakataas sa mga sumusunod:

  • Batanes
  • Natitirang bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
  • Natitirang bahagi ng Isabela
  • Quirino
  • Apayao,
  • Silangang bahagi ng Kalinga (Rizal, Tabuk City, Pinukpuk, Tanudan)
  • Silangang bahagi ng Mountain Province (Paracelis, Natonin)
  • Silangang bahagi ng Ifugao (Alfonso Lista, Aguinaldo)
  • Northern at central portion ng Aurora (Dipaculao, Baler, Dinalungan, Casiguran, Dilasag)
  • Polillo Islands
  • Hilagang bahagi ng Camarines Norte (Capalonga, Jose Panganiban, Paracale, Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes, Basud)
  • Hilagang bahagi ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan)
  • Hilagang bahagi ng Catanduanes (Caramoran, Viga, Gigmoto, Panganiban, Bagamanoc, Pandan)

Sabi ng weather bureau posibleng humina ang bagyo sa susunod na mga oras at ibaba ito sa tropical storm category.

Tinataya ng PAGASA na bukas  ng umaga ay nasa layong 330 km Silangan ng Calayan, Cagayan ang bagyong Bising habang sa Biyernes ay nasa layong 440 km Silangan ng Basco, Batanes na ito.

Sa sabado ng umaga, ang bagyo ay inaasahang nasa layong 900 km East Northeast ng Extreme Northern Luzon o nasa labas na ang Philippine Area of Responsibility.

 

 

TAGS: BisingPH, Pagasa, weather update, BisingPH, Pagasa, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.