Pagbubukas ng community pantry sa Pasig, hindi kailangan ng permit
“Wala po tayong Permit to Help”
Ito ang pagtitiyak ni Pasig City Mayor Vico Sotto ukol sa pagbubukas ng commumity pantry sa lungsod.
Sinabi ng alkalde na hindi kailangan ng permit para sa pagsisimula ng nasabing inisyatibo.
Pinuri naman ni Sotto ang mga indibiduwal na nakikiisa sa community pantry para makatulong sa kapwa.
“Government has limited resources, so any effect to help others is very welcome,” ayon pa sa alkalde.
Mayroon ding ilang grupo sa Pasig na na-inspire sa ideya ni Ana Patricia Non na Maginhawa Communit Pantry sa Quezon City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.