Mga stranded na pasahero sa mga pantalan dahil sa #BisingPH, nasa 2,149 pa rin
Patuloy ang pag-monitor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga stranded na pasahero sa mga pantalan.
Bunsod pa rin ito ng Typhoon Bising.
Sa maritime safety advisory hanggang 4:00, Martes ng hapon (April 20), stranded pa rin ang 2,149 pasahero, drivers at cargo helpers sa mga pantalan sa Eastern Visayas, Bicol region, at Central Visayas.
Maliban dito, stranded din ang 20 vessels, at 773 rolling cargoes.
Ayon sa PCG nasa light to moderate ang sea condition sa Eastern Visayas, moderate to rough sea condition sa Bicol habang light to moderate sea condition naman sa Center Visayas.
Patuloy naman ang 24/7 nationwide monitoring ng PCG Operations Center para sa istriktong implementasyon ng guidelines sa galaw ng mga sasakyang-pandagat.
Nakaalerto rin ang Coast Guard Districts, Stations, at Sub-Stations across sa bansa sakaling magkaroon ng emergency situations, katuwang ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.