Vessel trip patungo at mula sa Matnog, Sorsogon at Allen, Northern Samar balik na

Balik na sa normal ang vessel trip patungo at mula sa Matnog, Sorsogon at Allen, Northern Samar simula 5:00, Martes ng hapon (April 20).

Ito ay matapos alisin ang Tropical Cyclone Wind Signal sa Sorsogon batay sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon.

Balik na rin ang mga biyahe sa Pilar at Bulan Ports depende sa availability ng bangka sa Miyerkules ng umaga (April 21).

Inabishan naman ng Port Management Office ng Bicol ang lahat na sundin ang COVID-19 health, safety, at travel protocolcs upang maiwasan ang pagkalat ng nakakahawang sakit.
Matatandaang sinuspinde ang sea travels sa nasabing lugar dahil sa Bagyong Bising.

Read more...