EO 128 sa pork importation, hindi pa puwedeng ipatupad, sabi ni Sen. Drilon
Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi pa maaring itaas ng Department of Agriculture ang minimum access volume (MAV) sa importasyon ng karne ng baboy kahit nailabas na ang Executive Order No. 128 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Drilon, kung ipapatupad na ng DA ang EO 128 ito ay lalabas na ilegal bukod sa pambabastos sa Kongreso.
Aniya, nakasaad sa batas ang kapangyarihan sa pagtatakda ng importa quota ay nasa Kongreso at ngayon ay walang sesyon.
Binanggit pa ni Drilon na ang sulat ni Pangulong Duterte para maitaas ang MAV sa imported pork products ay naipadala sa Senado noong Marso 26, kung kailan ay suspendido ang sesyon.
Paliwanag pa nito, nakasaad sa Section 6 ng Agricultural Tarrification Law o RA 8178 na maari lang maipatupad ang nais ng Pangulo ng bansa na pataasin ang MAV kung nabigo ang Kongreso na aksyunan ito sa loob ng 15 araw.
Ngunit sabi ni Drilon, masusunod lang ang nakasaad sa batas kung may sesyon ang dalawang Kapulungan ng Kongreso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.