BREAKING: Mga naka-recover sa COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa 809,000; 21,664 ang nadagdag

Mahigit 7,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (April 20), pumalo na sa 953,106 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 127,006 o 13.3 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 7,379 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

96.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.3 porsyento ang asymptomatic; 0.48 porsyento ang moderate; 0.7 porsyento ang severe habang 0.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 93 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 16,141 o 1.69 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 21,664 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 809,959 o 85.0 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...