Mga kalsada sa Eastern Visayas, bukas na; Isang kalye sa Catanduanes, hindi pa rin maaaring daanan
Binuksan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang lahat ng kalsada sa Eastern Visayas na naapektuhan ng Typhoon Bising.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, kabilang dito ang mga sumusunod na kalsada:
– Wright-Taft-Borongan Road, Camp 5 Boundary – Jct. Taft sa Barangay Binaloan
– Taft Town at Jct. Taft-Oras-San Policarpio-Arteche Road sa Barangay Bigo
– Arteche Town sa Eastern Samar
– Biliran-Naval Road
– Catmon Bridge Detour sa Barangay Catmon, Naval, Biliran
– Isa pang kalye sa Northern Samar
– Awis-Catubig Road sa Barangay Simora, Laoang.
Samantala, hanggang 12:00, Martes ng tanghali (April 20), nananatiling sarado ang Catanduanes Circumferential Road sa Barangay Marinawa sa bayan ng Bato dahil sa landslide.
Patuloy ang clearing operations ng DPWH Quick Response Team sa naturang kalye.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.