AFP: Pag-aaway ng mga pulis at sundalong Kano sa Palawan no effect sa Balikatan

By Ruel Perez April 13, 2016 - 03:03 PM

Balikatan spox
Kuha ni Ruel Perez

Walang inaasahang magiging epekto sa nagaganap na Balikatan 2016  sa pagitan ng US at Pilipinas ang naganap na away na umabot pa sa panunutok ng baril sa pagitan ng 3 mga miyembro ng PNP Palawan at mahigit sa 6 na sundalong Amerkano na kasali sa exercise.

Ayon kay Capt Celeste Frank Sayson, Philippine Balikatan 2016 spokesperson, wala umanong bearing sa nagaganap na Balikatan ang naging away sa loob ng isang bar ng mga tauhan ng Palawan PNP at ang kumpirmadong mga kasapi ng U.S Marines.

Paliwanag ni Sayson, discretion na lamang ng U.S na disiplinahin ang mga sundalong Kano na napaaway sa bar sa Palawan na nakunan pa ng video at mapapanuod sa social media partikular sa YouTube.

Samantala, kumpyansa naman ang AFP na seseryosohin ng kanilang counterpart ang insidente base na rin sa naging pahayag ng US counterpart na papatawan ng kaukulang aksyon ng kanilang command sa kanilang mga home station laban sa mga sundalong Amerikano.

Ipinaliwanag pa ng opisyal na nangyari ang insidente noong April 2, panahon na hindi pa nagsisimula ang Balikatan.

Sa panig naman ng PNP, nauna nang sinabi ni PNP Chief Ricardo Marquez na wala pa silang detalye ng nasabing kaguluhan.

TAGS: Balikatan, Palawan, PNP, us marines, Balikatan, Palawan, PNP, us marines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.