Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 3.04 milyon na

By Angellic Jordan April 20, 2021 - 01:00 PM

Lagpas 3.04 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 3,043,224 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 581,542.

Sumunod na rito ang Brazil na may 375,049 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 212,466 naman ang death toll sa Mexico habang 180,550 ang napaulat na nasawi sa India.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 127,274
– Italy – 117,243
– Russia – 105,928
– France – 101,180
– Germany – 80,774
– Spain – 77,102
– Colombia – 68,748
– Iran – 67,130

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 142,714,978 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 121,439,692 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

TAGS: breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, global COVID-19 cases, global COVID-19 deaths, global COVID-19 recoveries, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, global COVID-19 cases, global COVID-19 deaths, global COVID-19 recoveries, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.