Organizer ng community pantry hindi minamanmanan ng PNP

Kuha ni Erwin Aguilon/Radyo Inquirer On-Line

Walang ginagawang profiling ang Philippine National Police sa mga organizer ng community pantry sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Philippine National Police chief General Debold Sinas, wala siyang utos na inilalabas sa mga pulis para alamin ang background ng mga organizer ng community pantry.

Ayon kay Sinas, hindi pakikialaman ng PNP ang community pantry dahil isinusulong at binubuhay nito ang diwa ng bayanihan.

Hangad lang aniya ng PNP na masiguro ang kaligtasan ng bawat is ana makaiwas sa COVID-19.

Ito aniya ang dahilan kung kaya kailangan na tiyakin na nasusunod ang health protocols.

Matatandaang itinigil na ni Ana Patricia Non ang pag-oorganisa ng community pantry sa Maginhawa Street sa Quezon City dahil sa red-tagging o pag-uugnay sa kanya sa Communist Party of the Philippines.

 

 

Read more...