(Muntinlupa City government)
Posible na mabigyan din ng P1,000 hanggang P4,000 na ayuda ang mga nakatira sa mga subdibisyon at village sa lungsod ng Muntinlupa.
Sinabi ni Tez Navarro, ng Muntinlupa Public Information Office, ang mga kuwalipikadong residente ng lungsod na hindi kasama mga naunang listahan, kasama ang mga naninirahan o umuupa sa mga subdibisyon, ay maaring mag-apply para sa cash subsidy.
Una nang binibigyan ng Social Service Department ng pamahalaang-lungsod ang mga miyembro ng Social Amelioration Program, mga nasa SAP waitlisted list at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ayon sa utos ng DSWD, DILG at DND.
Paliwanag ni Navarro ang mga apektadong residente ay kailangan magtungo sa kanilang barangay hall o homeowners’ association para mag-fill up ng client information sheet (CIS) at ihanda ang mga kinakailangan dokumento.
Hanggang sa Huwebes, Abril 22, ang pagsusumite ng CIS.
Nakatanggap ang Muntinlupa LGU ng P442.19 milyon para sa 80 porsiyento ng populasyon ng lungsod base sa pagtataya ng National Economic and Development Authority (NEDA).