Sen. Migz Zubiri tinawag na ‘band aid solution’ ang EO 128 ni Pangulong Duterte

By Jan Escoio April 20, 2021 - 10:30 AM

Umaasa si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na pakikinggan ni Pangulong Duterte ang panawagan ng mga senador na bawiin ang pagpayag na pataasin ang importasyon ng karne ng baboy sa bansa.

Diin ni Zubiri hindi solusyon ang Executive Order No. 128 sa kakulangan ng suplay ng karne ng baboy bunga ng African swine fever (ASF).

“Ito po ay isang band-aid solution at hindi po ito pang-matagalan na solusyon, dahil kung nagpa-import po tayo nang nagpa-import, ang mamamatay dito ang ating mga magsasaka,” katuwiran ni Zubiri.

Diin ng senador, papatayin ng importasyon ang local hog industry.

Sa pagpapalabas ng EO 128, sinang-ayunan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng Department of Agriculture na taasan ng 350,000 metriko tonelada ang minimum access volume (MAV) sa pag-angkat ng mga produkto mula sa karne ng baboy.

TAGS: Executive Order No. 128, importation, karneng baboy, Migz Zubiri, Executive Order No. 128, importation, karneng baboy, Migz Zubiri

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.