Barkong pangdigma ipadadala ni Pangulong Duterte sa WPS kung…

 

Magpapadala ng barkong pangdigma si Pangulong Rodrigo Duterte sa West Philippine Sea kung magsisimula na ang China sa pagsasagawa ng oil drilling at iba pang yamang dagat sa pinag-aagawang teritoryo ng dalawang bansa.

Ayon sa Pangulo, sa ngayon, walang balak ang Pilipinas na makipag-away sa China dahil lamang sa isyu ng pangingisda.

Pero ibang usapin na aniya kapag ibang yamang dagat na ang kinuha ng China.

“I am addressing myself to the Chinese government. We want to remain friends. We want to share whatever it is. Sinabi ko naman sa inyo sa Chinese government, I’m not so much interested now in fishing. I don’t think there’s enough fish really to quarrel about. But when we start to mine, when we start to get whatever it is in the bowels of the China Sea, sa ating oil, diyan na ako — then by that time, I will send my ships there. I will send my gray ships there to state a claim. Iyan masiguro ninyo. ‘Pag kinuha na ‘yang oil, kung anong mga nickel diyan and precious stones, that would be the time because that is the time that we should act on it. Hindi ngayon na ‘yong pa — pahabol-habolan lang diyan. Ano ba naman? Habulin iyon isang reporter na ano. My God,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na wala siyang kasunduan sa China na kasama sa kanilang kukunin sa West Philippine Sea ang oil.

“Ako totoo ‘yan, ‘pag mag-umpisa na sila ng drill ng oil diyan, sabihin ko talaga sa China, is that part of our agreement? Because if it is not part of our agreement, I’m going to also to excavate — to drill my oil there. If you own it, I own it. I do not want a quarrel but that is how it is,” pahayag ng Pangulo.

Matatandaang naghain na ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs dahil sa presensya ng Chinese vessels sa West Philippine Sea.

 

Read more...