Ititigil na muna ni Ana Patricia Non ang pagbubukas ngayong araw ng Maginhawa community pantry sa Quezon City.
Sa Facebook post ni Non, sinabi nito na natatakot siya sa ginagawang red-tagging issues.
Naging viral si Non nang buksan ang community pantry kung saan hinahayaan ang publiko na kumuha ng pagkain ng ayon sa kanilang pangangailangan at magbigay ng donasyon ng ayon sa kanilang kakayahan.
Gayunman, naiugnay ang community pantry sa makakaliwang grupo.
Ayon kay Non, ipinagbigay alam na niya kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na mayroong tatlong pulis ang nanghingi ng kanyang contact number.
Matatandaang ginaya sa ibang lugar ang community pantry na itinayo ni Non.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.