Sinabi ni Marcos na mabuting naglabas si Ejercito ng pahayag para matuldukan na ang isyu at bilang suporta na rin sa pagpasa niya sa panukalang batas.
Partikular na nagpasalamat si Marcos sa paglilinaw ni Ejercito kung ano talaga ang nangyari sa senado at kamara at kung ano ang ginawa niya para matiyak na masama ang anti-dynasty provision sa nasabing bill.
Itinanggi kasi ng ilang mambabatas ng administrasyon ang sinabi ni Marcos na mahalaga ang kanyang papel sa pagpasa sa bill at si Senator Bam Aquino raw ang nagsulong nito.
Pero sinuportahan ni Ejercito, isa sa mga authors ng senate version, ang pahayag ni Marcos.
Sinabi ni Ejercito na si Marcos, bilang Chairman of the Senate Committee on Local Government, ang nagsiguro na isama ang anti-dynasty provision at ito rin ang nagtulak para maipasa ang batas.
Dagdag ni Ejercito, pwedeng pinili ni Marcos na lumiban sa bicameral meetings pero aktibo itong sumali sa deliberasyon at instrumental sa pag-craft ng bill.
Laman ng SK reform Act o RA 10742 ang probisyon na nagbabawal sa sinumang SK official na magkaroon ng kamag-anak sa elective public office hanggang sa third ddegree of consanguinity o affinity.