Nagpatupad ang gobyerno ng Hong Kong ng ban sa lahat ng passenger flight mula sa Pilipinas.
Sa abiso ng Philippine Consulate General sa Hong Kong, nagdesisyon ang gobyerno ng Hong Kong na mapasama ang Pilipinas sa mga itinuturing bilang ‘extremely high-risk place’ sa ilalim ng Prevention and Control of Disease Regulation.
Dahil dito, bawal mula ang pagdating ng mga flight mula sa Pilipinas simula 12:00, Martes ng madaling-araw (April 20).
Epektibo ang ban sa loob ng 14 araw.
Hinikayat naman ng konsulado ang publiko na gumawa ng kinakailangang adjustment sa kanilang travel plans kabilang ang kanselasyon o pagpapaliban ng non-essential travel patungong Pilipinas sa nasabing petsa.
Hindi rin muna papayagan ang flights mula sa India at Pakistan.