Smartmatic magbibigay ng mahigit 1 milyong rolyo ng resibo sa Comelec
Inanunsyo ng Smartmatic na magdo-donate sila ng mahigit isang milyong rolyo ng resibo sa Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Smartmatic Spokesperson Atty. Karen Jimeno, kabuuang 1.1 milyong dekalidad na rolyo ng resibo ang kanilang ipagkakaloob sa poll body.
Ito ayon kay Jimeno ay upang makatulog sa Comelec, kasunod ng pahayag ng poll body na kakapusin sila sa procurement nito.
Para din aniya ito makasunod ang komisyon sa utos ng Supreme Court na magbigay ng resibo sa mga botante.
Sinabi ni Jimeno na 22 rolyo ng resibo ang ilalagay nila sa bawat Vote Counting Machines (VCMs).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.