Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 8:00, Lunes ng gabi (April 19), ito ay dulot pa rin ng Typhoon Bising.
Nakataas ang red warning level sa Northern Samar, Catanduanes, Sorsogon, Albay, at Camarines Sur.
Orange rainfall warning naman ang nakataas sa Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands.
Dahil dito, sinabi ng weather bureau na inaasahang makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.
Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.
Samantala, iiral naman ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Camarines Norte, Romblon at Marinduque sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.
Batay sa abiso bandang 8:29 ng gabi, mahinang pag-ulan naman ang mararanasan sa Cagayan (Abulug, Aparri, Ballesteros, Claveria, Gonzaga, Pamplona, SantaAna and SanchezMira) sa susunod na isa hanggang dalawang oras.
Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.