Nasa intensive care unit (ICU) ngayon sa San Juan de Dios Medical Center ang biktimang si Cherry Diane Feliciano Garcia o mas kilala bilang Cindy, 33 anyos.
Ayon kay Maria Tan, bestfriend ni Garcia, pinapirma na ng mga doktor ang magulang ng biktima na hindi na ire-revive pa si Garcia oras na magkaroon ito ng siezure.
Paliwanag ni Tan, malambot na kasi ang dibdib ni Garcia dahil sa sunog na tinamo at puno na rin ng usok ang baga nito.
Isinisisi ni Tan ang sinapit ng mag-iinang Garcia sa mabagal na pagresponde ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at ng kawalan ng medics na dumating sa sunog.
Ayon kay tan, matapos ang sunog, isinilid na sa body bag ang katawan ni Cindy Garcia gayung buhay pa ito at gumagalaw.
Sa naturang sunog, binawian ng buhay sa ospital ang pitong taong gulang na anak ni Garcia na si Jessie Dominic Garcia o kilala sa palayaw na Onyx, habang nagtamo rin ng lapnos sa katawan ang kapatid ni Jessie na si Chloe na tatlong buwan pa lamang.
Kung agad aniyang na nakaresponde ang medics sa sunog, maaring buhay pa si Jessie at hindi sana nasa peligro ang buhay ni Cindy.
Ang sunog sa tahanan ng pamilya Garcia ay naganap pasado alas 10:00 ng gabi kagabi (Martes).