Leronmilab pinag-aaralang gamot kontra cancer at HIV, hindi sa COVID 19 – FDA
Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi aprubado ang Leronmilab para gamutin ang COVID-19 patient.
Sa pahayag ng ahensiya, sinabi ng FDA na itinuturing na ‘investigational product’ ang Leronmilab at ito ay sumasailalim sa clinical trials bilang gamot sa cancer at HIV.
Ngunit nabatid na rin ng ahensiya na ito ay iniimbestigahan na rin para magamit sa COVID-19 patients.
Inamin ng FDA na nagbigay ito ng Compassional Special Permit (CSP) sa ilang mga espesyalista para magamit ang Leronmilab sa paggamot ng mga may COVID-19.
Paglilinaw ng ahensiya, maaring mabigyan ng CSP ang doktor o ospital para gumamit ng investigational drugs, unregistered drugs o mga gamot na under process na ang pagpapa-rehistro sa mga pasyente na malubha ang sakit.
Nabatid na ang may hawak ng CSP ang responsable sa paggamit ng naturang gamot at kinakailangan din na mag-ulat ito sa FDA sa resulta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.