Overall progress rate ng Bicol International Airport, halos 80 porsyento na

By Angellic Jordan April 19, 2021 - 07:30 PM

DOTr photo

Nasa 79.74 porsyento na ang overall progress rate ng Bicol International Airport (BIA), ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Sa datos hanggang April 19, 2021, 93.71 porsyento nang kumpleto ang Package 2A ng airport development project, kung saan sakop ang konstruksyon ng landside facilities at iba pang gusali.

64.61 porsyento namang tapos ang Package 2B, kung saan kabilang ang pagtatayo ng PTB at runway extension, taxiway, drainage, at iba pang site development works.

Oras na makumpleto, inaasahang maseserbisyuhan ng nasabing paliparan ang dalawang milyong pasahero kada taon.

Makatutulong ang proyekto upang mapalakas ang air traffic at tourist arrivals sa Bicol region.

Para kay Transportation Secretary Arthur Tugade, ang pagtatapos ang major transport project ay isang “powerful statement” ng pagnanais ni Pangulong Rodrigo Duterte na makita ang pagbabago sa rehiyon.

Isa ang BIA sa flagship infrastructure projects sa ilalim ng “BUILD, BUILD, BUILD” Program ng Duterte administration.

TAGS: Bicol International Airport, Build Build Build program, dotr, DOTr project, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Bicol International Airport, Build Build Build program, dotr, DOTr project, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.