Proseso sa pagkuha ng permit ng mga local drug manufacturer, pinabibilisan sa FDA

By Erwin Aguilon April 19, 2021 - 05:12 PM

Pinabibilisan ni House Speaker Lord Allan Velasco sa Food and Drug Administration o FDA ang proseso ng pagkuha ng permit ng local pharmaceutical companies o mga gumagawa ng gamot para mapalakas ang kakayahan ng bansa kontra sa krisis-pangkalusugan gaya ngayong may COVID-19 pandemic.

Ayon kay Velasco, mayroong malaking papel ang drug companies o producers laban sa COVID-19.

Gayunman, mismong ang mga ito ay umaaray dahil sa mabagal na proseso o pagkaka-tengga ng kanilang aplikasyon sa FDA na ang iba ay tumatagal pa ng maraming taon.

Halimbawa rito ang aplikasyon para sa Certificate of Product Registration o CPR at Emergency Use Authorization o EUA permits.

Batay sa checklist ng FDA, umaabot sa walong buwan bago makumpleto ng isang kumpanya ang mga hinihinging requirement para sa CPR pa lamang.

Kailangan aniyang mawala na ang “red tape” at pagaanin o bawasan na ang mga “redundant” na requirement sa kasagsagan ng health crisis.

Nauunawaan naman aniya nito na kailangan ng pag-aaral sa mga gamot at kahalintulad, ngunit kailangan aniyang balansehin din ang sitwasyon sa panahon ng pandemya.

TAGS: 18th congress, FDA, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Speaker Lord Allan Velasco, 18th congress, FDA, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Speaker Lord Allan Velasco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.