Inaayos na lang ng NBI ang ulat kaugnay sa isinagawang imbestigasyon sa nangyaring ‘mis-encounter’ sa pagitan ng mga ahente ng PDEA at mga pulis-Quezon City noong Pebrero 24.
Kasabay nito, tiniyak ni NBI Deputy Dir. Ferdinan Lavin na may mga sasampahan sila ng kaso bagamat tumanggi siyang tukuyin ang mga ito.
Aniya inaalam pa nila kung sino-sino ang mga dapat kasuhan.
Sa insidenteng naganap sa parking lot ng Ever – Commonwealth, namatay ang dalawang pulis, isang ahente ng PDEA at isang civilian asset.
Agad bumuo ng joint-investigating team ang PNP at PDEA para imbestigahan ang pangyayari ngunit ipinag-utos ni Pangulong Duterte na tanging ang NBI lang ang maaring mag-imbestiga.
Kapwa naninindigan naman ang dalawang ahensiya na lehitimo ang ikinasang anti-drug operation sa naturang lugar.