Home service vaccination, inilunsad ni Mayor Isko para sa bedridden senior citizens
Umabot na sa 98 bedridden senior citizens ang nakinabang sa home service vaccination program ng Lungsod ng Maynila.
Ito’y sa loob lamang ng tatlong araw na implementasyon ng programa.
Inilunsad ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang home service vaccination program upang makapagbakuna ng mas marami pang senior citizens sa lungsod.
Dagdag pa ng Alkalde, bahagi ito ng plano ng LGU Manila na maisama ang lahat ng residente sa pagbabakuna sa lungsod.
Kaugnay nito, inatasan ni Mayor Isko ang mga punong barangay ng lungsod na magsumite ng isang listahan ng lahat ng kanilang bedridden senior citizens.
Nakasaad din sa naturang listahan ang mga pangalan ng mga tagapag-alaga ng bedridden seniors, pati na rin ang kanilang mga address, contact number, at email address kung meron.
Hinikayat din ng Alklade ang mga Manilenyo na nais mabakunahan ang kanilang kaanak na bedridden seniors na makipag-ugnayan agad sa barangay upang maisaayos ang kanilang home service vaccination schedule.
Samantala, magpapatuloy naman ang naturang home service vaccination program ng LGU Manila para sa bedridden senior citizens sa araw ng Lunes (April 19).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.