Ito ang sinabi ni Sen. Grace Poe at aniya dapat ay magtulong ang Department of Foreign Affairs at si vaccine czar Carlito Galvez Jr., sa paghahanap ng mga bakuna maging sa pag-apila sa ibang bansa na magbahagi ng kanilang mga labis na bakuna.
Sinabi nito hindi makakatulong sa buong mundo ang hindi pantay na pamamahagi ng mga bakuna dahil lahat ng bansa ay apektado ng pandemya at hindi nito mapapabuti ang pandaigdigang ekonomiya.
Aniya ito na ang tamang panahon para manawagan sa mga kaalyado ng Pilipinas.
“This is an unparalleled opportunity to make a renewed call to our allies for solidarity, compassion and cooperation,” sabi pa ni Poe.
MOST READ
LATEST STORIES