Kita sa mga minahan makatutulong sa pagbabayad ng utang ng Pilipinas

Naniniwala si Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na makatutulong upang mabayaran ng bansa ang mga utang nito ang pagbawi ni Pangulong Duterte sa nine-year ban sa mga bagong mining deals.

Ayon kay Barbers dahil lubog na sa trilyong pisong utang ang bansa bunsod ng pandemya, ang minahan na lamang ang tanging paraan para makapagbayad ng utang ang pamahalaan.

Giit ng mambabatas, bukod sa pambayad utang ay makakatulong din sa pagbangon ng ekonomiya ang mga malilikom na royalties, kita at buwis mula sa minahan.

Bukod kasi sa mga BPOs at OFWs ay wala nang ibang industriya ang makapagpapasok ng malaking kita sa bansa dahil karamihan sa mga sektor ay apektado ng krisis.

Iminungkahi pa ni Barbers na napapanahon na ring papasukin ang foreign mining investors ngunit kailangan munang tiyakin ng pamahalaan partikular ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na balanse at hindi ito makasisira ng kalikasan.

Sakaling maging posible ito, tataas sa 6 hanggang 10 porsyento ang magiging kontribusyon ng mining sa GDP ng bansa mula sa kasalukuyang 0.6%.

Read more...