Dating Pangulong Erap bumubuti ang kondisyon sa kanyang ika-84 birthday

By Jan Escosio April 19, 2021 - 10:48 AM

Ibabalik si dating Pangulong Estrada sa regular room anuman oras ngayon araw, kasabay nang pagdiriwang ng kanyang ika-84 birthday.

Ito ang ibinahagi ng kanyang anak na si dating Sen. Jinngoy Estrada.

Sinabi nito na normal ang lahat ng vital signs ng kanyang ama maging ang kanyang oxygen flow, samantalang stable na rin ang kanyang blood pressure.

Magugunita na noong nakaraang linggo, ibinalik sa intensive care unit ang dating pangulo dahil sa tinatawag na ‘superimposed bacterial lung infection.’

Noong Abril 13, nag-negatibo na sa 2019 coronavirus ang dating pangulo.

Naibahagi din ng nakakabatang Estrada na dadalawin niya ang ama ngayon para personal na batiin ito at mabigyan ng birthday cake.

Sa kanyang Facebook account, regular ang pag-post ng dating senador ng ‘medical bulletin’ ng kanyang ama.

Samantala, sa kanyang sariling Facebook post, ibinahagi ni dating Sen. JV Ejercito na nakausap niya ang ama kagabi at labis niya itong ikinatuwa.

“Happy Birthday Dad! Hang in there! So many are praying for you. So happy to be able to speak with you last night. We will see you soon!” ang post ni Ejercito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.