Bank account sa bawat Filipino isinusulong ni Sen. Win Gatchalian

Naniniwala si Senator Sherwin Gatchalian na magiging malaking tulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa kung may bank account ang bawat Filipino.

Sa naisip niya na ‘one Filipino, one bank account,’ sinabi ni Gatchalian na mas magiging mabilis, contactless at maiiwasan na rin ang katiwalian sa pagbibigay ng cash-aid ng ilang ahensiya ng gobyerno sa mamamayan.

Aniya 74 milyon Filipino na ang gumagamit ng smartphone hanggang noong 2019.

“We already have a national ID (system). There’s a bill I want to file that is connected to the national ID, I call it the ‘One Filipino, One Bank Account (bill).’ The government must mandate that all should have a bank account. It’s important that we use technology,” sabi ng vice chairman ng Senate Committee on Banks.

Dagdag pa niya dapat din maikunsidera na ‘basic requirement’ sa mga Filipino ang pagkakaroon ng bank account kahit ano pa ang estado nila sa lipunan.

Base sa survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong 2019, 71 porsiyento o 51.2 milyon sa ikikunsiderang adult Filipino ng ang walang bank account.

Ang tatlong pangunahing dahilan ay kakulangan ng pera, ang pag-iisip na hindi na kailangan ng bank account at kakulangan ng mga kinakailangan dokumento.

Read more...