Global ranking ng Ph fixed broadband internet umangat ng 19 puntos

BUMILIS ang fixed broadband internet sa Pilipinas base Ookla Speedtest Global Index report noong nakaraang buwan.

Ayon sa Ookla, nakapagtala ng 7.79Mbps pagbilis mula sa 38.46Mbps noong Pebrero patungo sa 46.25Mbps nitong Marso.

Katumbas ito ng buwanang dagdag na 20.25% at 484.70% mula sa download speed ng bansa na 7.91Mbps noong Hulyo 2016.

Sa 177 mga bansa, ang Philippine fixed broadband speed ay nasa ika-81 puwesto na ngayon na pag-angat ng 19 puntos at noon din nakaraang buwan, pumangalawa ang Pilipinas sa pag-angat sa global ranking kasunod ng Oman.

Kasabay nito ang bahagyang pagbaba ng mobile network overall performance ng bansa sa naitalang average download speed na 25.43Mbps mula sa 26.24Mbps.

Sa kabila nito, ang kasalukuyang mobile network performance ay mas mataas pa rin ng 241.80% kumpara sa speed nito na 7.44Mbps noong Hulyo 2016, habang ang average mobile download speed na 24.72Mbps mula Enero hanggang Marso mgayong taon ay tumaas din ng 29.22% mula sa 19.13Mbps na naitala noong Oktubre hanggang Disyembre 2020.

Sa 140 bansang sinuri, ang mobile speed ng Pilipinas ay nasa ika-86 puwesto, samantalang pang-22 sa Asya at pang-16 sa Asia-Pacific Region.

Inaasahan pa ang pagbilis ng internet speed sa bansa dahil sa kompetisyon na inaalok ng Dito Telecom, na nagkaroon ng commercial rollout sa Visayas at Mindanao noong nakaraang Marso 8.

Read more...