Mahigit na 600 bagong kaso ng UK, African at P.3 variant ng COVID-19 naitala
Nakapagtala ang Department of Health ng mahigit 600 kaso ng UK, African at P.3 variant ng COVID-19.
Ayon sa DOH, mayroong bagong 266 na kaso ng B.1.1.7 o UK variant, 351 na bagong kaso naman ng African variant at 25 kaso ng P.3 variant na unang nadiskubre sa Pilipinas.
Sa kabuang bilang ng UK variant, 11 rito ay mga Returning Overseas Filipinos (ROFs), 188 ang local cases, at 67 kaso ang kasalukuyang pang bineberipika kung saan nanggaling.
Walo sa mga ito ang nasawi, 204 cases ang gumaling na at 54 cases pa ang aktibo.are still active.
15 kaso naman ng ROFs ang mayroong African variant ng COVID-19 habang 263 ang local cases at 73 pa ang bineberipika kung saan nakuha.
54 na kaso ng mayroong African variant ang aktibo, 4 cases ang namatay habang 293 cases na ang gumaling.
Sa 25 kaso ng P.3 variant nabatid na 2 ay ROFs, 21 ang local cases at dalawa ang kasalukuyang bineberipika pa.
Mayroon naman na 1 nasawi at 24 na nakarecover na rito.
he DOH, UP-PGC, and UP-NIH reiterate that the P.3 variant is still NOT identified as a variant of concern (VOC) since current data is insufficient to determine whether the variant will have significant public health implications.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.