Ilang pampublikong pagamutan dapat gawing COVID-19 hospitals
Hinimok ni Iloilo Rep. Janette Garin ang pamahalaan na i-convert bilang full COVID-19 hospitals ang piling pampublikong pagamutan.
Ayon kay Garin, ito ay upang makapag-bukas ng mas maraming kwarto at kama para sa COVID-19 patients.
Paliwanag ng dating health secretary, kung matitiyak ng pamahalaan na mabibigyan ng financial assistance ang government hospitals ay maaari itong gawing pagamutan na para lamang sa mga COVID-19 patients upang ma-maximize ang resources nito.
Ang iba namang government hospitals ay maaari nang tumanggap ng non-COVID19 patients.
Naniniwala naman ang mambabatas na hindi pa bagsak ang healthcare system ng bansa ngunit babala nito na hindi malayong mag-collapse ito kung magpapatuloy ang pagtaas sa kaso ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.