Lakas ng Bagyong #BisingPh napanatili; 15 lalawigan nasa ilalim ng babala ng bagyo

Napanatili ng Bagyong Bising ang kanyang lakas habang kumikilos sa bahagi ng Philippine Sea sakop ng lalawigan ng Sorsogon.

Base sa 11am weather bulletin ng PAGASA, huling namataan dakong 10am ang mata ng Bagyong Bising sa layong 375 km Silangan ng Juban, Sorsogon o 345km Silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 215 km bawat oras malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 265km kada oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa mga lalawigan ng Catanduanes, Northern Samar, Eastern Samar at Samar.

Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 naman sa mga sumusunod na lugar:

Luzon

Eastern portion ng Camarines Norte (San Lorenzo Ruiz, San Vicente, Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes, Basud), Camarines Sur, Albay, Sorsogon, at Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands

Visayas

Biliran, Leyte, Southern Leyte, at northern portion ng Cebu (Tabogon, Borbon, San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan) kabilang ang Bantayan at Camotes Islands

Mindanao

Dinagat Islands, Siargao Islands at Bucas Grande Islands

Bukas ng umaga, inaasahang nasa layong 565 Silangan ng Infanta, Quezon ang  bagyong Bising.

Inaasahan naman na nasa layong 560 kms Silangan ng Baler, Aurora ang bagyo sa Martes ng umaga.

Sa Miyerkules ng umaga, inaasahan ito na nasa layong 495 kms Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan at Huwebes naman ay nasa layong 500 kms Silangan ng Basco, Batanes ang bagyo.

Tinataya naman na nasa layong 895 kms Silangan ng Extreme Northern Luzon ang Bagyong Bising  sa araw ng Biyernes.

Read more...