Mahigit 2,000 indibidwal stranded sa iba’t-ibang pantalan dahil sa #BisingPH
Umabot na sa mahigit 2,000 indibidwal ang stranded sa iba’t-ibang pantalan ng bansa dahil sa bagyong Bising.
Ayon sa Philippine Coast Guard, 4am ngayong araw kabuuang 2, 055 ang stranded na indibidwal, 16 na sasakyang pandagat at 890 na rolling cargoes ang hindi pinayagang makabyahe.
Mayroon naman na 48 barko at 26 na motorbanca ang lumikas patungo sa ligtas na lugar.
Pinakamarami sa mga stranded na indibidwal sa Eastern Visayas na mayroong 895 na stranded na indibidwal, sinundan ng 794 sa Bicol Region at 365 na indibidwal naman sa North Eastern Mindanao.
May mga hindi rin pinayagang maglayag na mga barko sa Central Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.