Pinuri ng Palasyo ng Malakanyang pagsulpot ng community pantries sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, patunay ito na buhay ang diwa ng bayanihan sa panahon ng pandemya sa COVID-19.
“The emergence of community pantries is laudable. It exemplifies the Filipino bayanihan spirit during this challenging time of COVID-19,” pahayag ni Roque.
Ayon kay Roque, gaya ng paulit-ulit na pahayag ng Palasyo, hindi kaya ng pamahalaan na mag-isang labanan ang pandemya sa COVID-19.
“As we have said in numerous occasions, we cannot defeat the COVID-19 pandemic alone. We need the support and cooperation of everyone,” pahayag ni Roque.
Naging viral sa social media ang community pantry ni Ana Patricia Non sa Mginhawa Street, Quezon City kung saan maaring kumuha ng libreng pagkain ang mga nangangailangan.
Ginaya na ang community pantry sa bahagi ng Marikina City at iba pang lugar.
Mayroon din naman aniyang social amelioration programs at services na inilaan ang pamahalaan para maayudahan ang mga pamilyang naapektuhan ng pandemya.
“The medium and long-term solution remains safeguarding the physical safety of our people while ensuring the economic health of the nation. Ingat buhay para sa hanapbuhay. We therefore ask our people to continue observing the minimum public health standards, so together, we can heal and recover soon,” pahayag ni Roque.