Ilang bahagi ng Metro Manila nakaranas ng pag-ulan ngayong umaga
Nakaranas ng isa hanggang dalawang oras na pag-ulan ang ilang bahagi ng Metro Manila at ang mga kalapit na lalawigan ngayong umaga ng Miyerkules.
Sa abiso ng PAGASA, alas 6:52 ng umaga, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang naranasan sa Metro Manila partikular na sa Pateros, Fort Bonifacio sa Taguig, Mandaluyong, San Juan at Balintawak sa Quezon City at sa mga bayan ng Perez, Pagbilao, Lucena at Padre Burgos sa Quezon.
Sa sumunod na mga oras, nakaranas naman ng mahinang pag-ulan ang bahagi ng Batangas, Rizal, Bulacan, at ang iba pang bahagi ng Metro Manila at Quezon Province.
Ayon kay PAGASA forecaster Aldzcar Aurello, passing light rains na namuo sa karagatan ang dahilan ng isolated na pag-ulan sa Metro Manila.
Sa kabila ng pag-ulan na naranasan, sa pagtaya ng PAGASA, magiging mainit pa rin ang panahon ngayong araw.
Posible pa ring umabot sa hanggang 36 Degrees Celsius ang temperatura sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.