#BisingPH, lumakas pa; Signal no. 1, nakataas na sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao

Lumakas pa ang Typhoon Bising, ayon sa PAGASA.

Base sa severe weather bulletin bandang 11:00 ng gabi, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 790 kilometers Silangan ng Surigao City, Surigao del Norte dakong 10:00 ng gabi.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 kilometers per hour.

Napanatili naman ang bilis ng bagyo ng 15 kilometers per hour sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran.

Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Visayas:
– Eastern Samar
– Eastern portion ng Northern Samar (Las Navas, Catubig, Laoang, Palapag, Mapanas, Gamay, Lapinig)
– Central at southern portion ng Samar (Marabut, Basey, Santa Rita, Villareal, Talalora, Daram, Pinabacdao, Zumarraga, Calbiga, San Sebastian, Hinabangan, Paranas, Motiong, Jiabong, Catbalogan City, Tarangnan, San Jorge, Pagsanghan, Gandara, Matuguinao, San Jose de Buan)
– Eastern portion ng Leyte (Abuyog, Mahaplag, Javier, Macarthur, Mayorga, La Paz, Dulag, Julita, Burauen, Tolosa, Tanauan, Tabontabon, Dagami, Pastrana, Palo, Jaro, Alangalang, Santa Fe, Tacloban City, Babatngon, San Miguel, Barugo, Tunga)
– Eastern portion ng Southern Leyte (Sogod, Silago, Hinunangan, Hinundayan, Anahawan, San Juan, Saint Bernard, Libagon, Liloan, San Ricardo, Pintuyan, San Francisco)

Mindanao:
– Dinagat Islands
– Surigao del Norte (kasama ang Siargao and Bucas Grande Islands)
– Surigao del Sur

Simula sa Sabado ng gabi (April 17) hanggang Linggo ng hapon (April 18), magdadala ang bagyo ng katamtaman hanggang mabigat na kung minsan ay intense rains sa Eastern Visayas at Camotes Islands.

Sa kasagsagan nito, ibinabala ng PAGASA na maaring makaranas ng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...