Higit 490,000 pamilya sa Maynila, nakatanggap na ng food boxes

Patuloy ang distribusyon ng food boxes sa ilalim ng COVID-19 Food Security Program (FSP) sa Lungsod ng Maynila.

Sa datos hanggang 5:00, Biyernes ng hapon (April 16), umabot na sa humigit-kumulang 490,000 pamilya ang nakatanggap ng food boxes.

Ito na ang ika-siyam na delivery ng food boxes sa lungsod.

Sa araw ng Sabado, April 17, nakatakdang makumpleto ang delivery ng food boxes sa District 5.

Ipinag-utos sa mga opisyal ng barangay na agad ipamahagi ang FSP food boxes sa kani-kanilang nasasakupan.

Read more...