Paggamit sa balat at buto ng mangga bilang harina, ibinida ng isang Pinoy sa exhibit sa Geneva
Isang Pinoy ang bumibida ngayon sa World Intellectual Property Organization Exhibit na ginaganap sa Geneva.
Ito ay matapos maimbento ni Dr. Evelyn Taboada ang isang uri ng technology na nagco-convert sa balat at buto ng mangga bilang harina para magamit sa paggawa ng cookies, tinapay at energy drink.
Naimbento rin ni Taboada ang pag-recycle sa seed husks para maging low cost burner fuel.
Si Taboada ay isang researcher mula sa University of San Carlos sa Cebu.
Ayon kay Taboada, malaking tulong ang kanyang naimbentong technology para mabawasan ang basura sa bansa at makapagbigay na rin ng trabaho sa ilang komunidad.
Dagdag pa ni Taboada, ang naimbentong technology ay mayroon nang portfolio of patents at trademarks at bukas na ngayon sa sublicensing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.