Limang barangay sa Puerto Princesa, isinailalim sa ECQ

By Angellic Jordan April 16, 2021 - 05:57 PM

Isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang limang barangay sa Puerto Princesa City, Palawan dahil sa nakakaalarmang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lugar.

Ayon sa City Mayor’s Offce ng Puerto Princesa,
inaprubahan ng local IATF ng nasabing lungsod ang Resolution No. 35 na nagdedeklara sa limang barangay bilang “critical zone.”

Kabilang dito ang mga barangay ng San Miguel, San Pedro, San Manuel, San Jose at Sta. Monica.

Sa kasagsagan ng ECQ, mahigpit na ipatutupad ang istriktong home quarantine. Papayagan lamang lumabas ang miyembro ng pamilya kung bibili ng mga pangunahing pangangailangan, empleyado ng establisyimentong bukas kahit ECQ at kung may quarantine pass.

Ipagbabawal din ang pagtitipon, maliban kung health services, government services at humanitarian services; pagbisita ng mga residente ng ibang barangay sa loob ng critical zones; at lahat ng uri ng leisure at sports activities.

Maaari namang magbukas sa lugar na nasa ilalim ng ECQ ang ospital; health, emergency at frontline centers; agriculture industries; logistics service providers; essential construction projects; manufacturers ng essential goods; manufacturer, distributor o supplier ng construction at maintenance works; essential retail trade and services; food preparation industries ngunit limitado lamang sa take out at delivery; at public transport operators.

Epektibo ang ECQ mula April 16 hanggang 30, 2021.

TAGS: areas in Palawan under ECQ, COVID-19 response, Inquirer News, Palawan, Radyo Inquirer news, areas in Palawan under ECQ, COVID-19 response, Inquirer News, Palawan, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.