Sen. Bong Go, nanawagan sa mga kompaniya na sumunod sa COVID-19 protocols
Nagpaalala si Senator Christopher Go sa mga negosyante at kompaniya na tiyaking nasusunod sa kanilang opisina o pagawaan ang COVID-19 safety protocols.
Ayon kay Go, hangga’t maaari ay magpatupad ng alternative work arrangements.
Gayundin ang pagbuo ng work guidelines na ayon sa minimum health protocols at tutugon pa rin sa pangangailangan ng mga empleyado at manggagawa.
“We must live with the realities of the pandemic. Crucial sa new normal ang pagkakaroon ng sapat na safeguards laban sa sakit sa pang-araw araw nating pamumuhay,” sabi ng namumuno sa Senate Committee on Health.
Sinang-ayunan din ni Go ang pahayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na kailangan na istriktong ipatupad ang work guidelines.
Kasama na dito aniya “no talking, no eating” rule, o hanggang maari ang pag-uusap gayundin ang sama-samang pagkain sa mga kulob na lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.