Cavite Gov. Remulla, naturukan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine

By Angellic Jordan April 16, 2021 - 05:24 PM

Photo grab from Gov. Jonvic Remulla Facebook video

Naturukan na si Cavite Governor Jonvic Remulla ng unang dose ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa Facebook, ipinakita ni Remulla ang dinaanan niyang proseso sa pagpapabakuna.

Sinabi ng gobernador na dumaan siya sa screening kung saan tatagal ng lima hanggang 10 minuto ang interview.

Pagkatapos maturukan ng bakuna, nanatili ang gobernador sa recovery center. Aniya, dito oobserbahan nang 10 hanggang 15 minuto kung makararanas ng adverse effect.

Ibinahagi ni Remulla ang kaniyang pagpapaturok upang ipakita aniya sa publiko na ligtas ang bakuna.

TAGS: COVID-19 vaccination, Inquirer News, Jonvic Remulla, Radyo Inquirer news, COVID-19 vaccination, Inquirer News, Jonvic Remulla, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.