Outbound passengers sa mga pantalan sa April 16, nasa higit 14,000

By Angellic Jordan April 16, 2021 - 03:43 PM

Tuloy ang pag-monitor ng Philippine Coast Guard sa bilang ng mga pasahero sa mga pantalan kasabay ng Oplan Biyaheng Ayos: Summer Vacation 2021.

Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nakapagtala ng kabuuang 14,169 na outbound passengers sa mga pantalan habang 9,016 inbound passengers.

Ito ay mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, araw ng Biyernes (April 16).

Nasa 2,093 naman ang itinalagang PCG personnel sa mga pantalan.

Base pa sa datos, 231 ang inspected vessels at 187 ang inspected motorbancas.

Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.

Maliban sa maritime security at maritime safety, umaasiste rin ang PCG sa istriktong implementasyon ng health protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.

TAGS: Inquirer News, Oplan Biyaheng Ayos, PCG monitoring, Radyo Inquirer news, Summer 2021, Summer Vacation 2021, Inquirer News, Oplan Biyaheng Ayos, PCG monitoring, Radyo Inquirer news, Summer 2021, Summer Vacation 2021

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.