P10.6-M halaga ng smuggled na sigarilyo, naharang sa Zamboanga City

By Angellic Jordan April 16, 2021 - 03:18 PM

Naharang ng Bureau of Customs (BOC) ang 300 cases ng iba’t ibang smuggled na sigarilyo sa Zamboanga City, araw ng Huwebes.

Sakay ang kontrabando ng MB Princess Amina sa dapat na sakop ng Barangay Sinunuc.

Nakatanggap ng impormasyon ang BOC na may dala umanong smuggled na sigarolyo ang naturang barko na nagmula sa Jolo, Sulu kung kaya’t ikinasa ang operasyon.

Dahil dito, nagkasa ng anti-smuggling operation ang BOC – Port of Zamboanga, Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS), at Enforcement and Security Service- Customs Police Division (ESS-CPD), katuwang ang Naval Forces Western Mindanao (NFWM) at Naval Intelligence and Security Group-Western Mindanao (NISG-WM).

Nagresulta ito sa pagkakasabat ng undocumented cigarettes.

Tinatayang aabot ng P10.6 milyon ang halaga ng mga nakumpiskang kontrabando.

Nai-turnover ang mga smuggled na sigarilyo sa BOC para sa beripikasyon ng dami at halaga ng nakuhang kontrabando.

TAGS: anti-smuggling operations, BOC operations, Inquirer News, Radyo Inquirer news, smuggled cigarettes, anti-smuggling operations, BOC operations, Inquirer News, Radyo Inquirer news, smuggled cigarettes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.